Pages

Thursday, February 24, 2011

THY WILL BE DONE

My weary arms, my shuttered soul;
My scarred feet, my heart; my all.
My stupid dreams & freaky plans...
Lord I lay them all now in Your hands.

I'm torn, I'm weak & battered...
My intact thoughts are now scattered.
Please get me out from this mess I'm on;
I plea dear Lord, don't leave me alone.

My mind's confused, just can't think right.
My moves are crazy, dim as the night.
Everything seems turning out wrong;
Will I let go now, or must I hold on?..

Will i give up everything I started?
Are these 'stupid things' really not needed?
Should I go back home and wait again?
What's Your will Lord, please show me then..

I'm sorry Lord if I've been bad;
For not consulting You first when I should have.
I'm sorry if I'm late again calling at You...
Have You been waiting a long time ago?

Here I am now Lord, please hear my cry..
I'm still Yours, though I was lost for a while.
I've now come back, will You stil let me in?
Please forgive Your child and accept her again.

As I continue this life that You have lend,
I beg for your strength, please hold my hand.
Lead me then Lord, show me which way to go...
When my moves are against Your will, please let me know.

Help me correct the mistakes I've done,
Help me know when to let go & when to hold on,
When to say 'no', when to move on...
To say with burning faith; "Thy will be done."

BORROWED

A borrowed life, a borrowed time..
A borrowed pasts that's left behind..
The borrowed days and borrowed chance...
A borrowed view for a borrowed glance.

The borrowed lyrics for borrowed songs..
The borrowed melodies to sing along..
Some borrowed steps for a borrowed dance..
And borrowed friends to hold my hands.

A borrowed journey to travel on..
The borrowed fights that I have won..
Some borrowed smiles and borrowed tears..
And borrowed memories of so many years.

A borrowed family with which I was raised..
A borrowed home, a borrowed place..
A borrowed sis and a borrowed bro..
And borrowed parents who helps me grow.

The borrowed strength for every day..
The borrowed light that guides my way..
But even though I borrowed much,
My God is in no hurry to get them back...
     & I am lucky!

Wednesday, February 23, 2011

MUST I LET YOU GO NOW?

You've been a very big part of my life,
And we've already conquered many trials & strifes...
We've had our shares of so much laughters & fun,
And when tears fall, we have each other to lean upon.

I am more than greatful having friends like you,
So caring & loving; so wonderful & true.
You are just happy to be with, no dull moments when I'm with you.
Your presence works like magic; turning gray skies into blue.

But we've grown fast, each now has greater responsibilities.
Hard to admit but friends now are less priorities.
We're dealing now with greater & heavier tasks,
And yes, sparing some of our time now is too much to ask.

...Just the thought of losing you guys brings so much pain,
...Just the thought of your absence in my life drives me insane.
Will we just let everything we've had to be in vain?
I just hope, whatever happens our love for each other will remain.

Has time demanded us now to choose,
Between our friendship or the greater cause?
And whichever we pick we know, we loose...
I guess we just have to leave it to our Heavenly Host.

NOON AT NGAYON

by Jane de la Cruz on Wednesday, December 15, 2010 at 9:39pm

Tuwing naiisip ang ating nagdaan,
Ang ngiti sa labi ay 'di mapigilan.
Masasayang ala-alang hindi malilimutan,
Noong panahon ng ating kabataan.

Noong ang mundo ay parang atin lamang,
Mga simpleng pangarap ang pinagsasaluhan.
Para bang ang lahat noon ay kay gaan
Dahil sa lahat ng bagay ay nagdadamayan.

-Noong mas madali pa ang sumaya...
Sa mababaw na dahilan ay maligaya na.
Parang walang problema ang 'di nareresolba
Basta't tayo na nga ay nagsama-sama.

Kay simple nga lamang ng ating buhay noon.
Mga kabataan na punong-puno ng ambisyon.
Ating mga pangarap, kung bigkasin ma'y pabulong,
Walang naghuhusga, lahat umaayon.

Isang samahang nabuo sa nagdaan
Na sa tuwina ay binabalik-balikan.
Bakit ba ang panahon ay kay bilis naman?
Diba ang lahat ng 'yun ay parang kaylan lng?

Ngayon para bang ang lahat nagbago na.
Ang mga dati ay bata, ngayo'y tumanda na.
At nakakalungkot na ang mga dating tropa
Ay minsanan na lamang nagkikita-kita.

Ang mga bagay na dati ay nagagawa,
Sa edad natin ngayon ay hindi na uubra.
Ba't ba walang nagsabi noon na kasama sa pagtanda,
Ang mundo ay lulupit at dadami ang problema?

Kung sabagay, lahat tayo ay dadaan
Sa mga pagsubok ng buhay bilang indibiduwal.
At kahit 'di natin aminin ay dati na nating alam
Na dararing ang panahon ng pamamaalam...

Pamamaalam sa mga dating nakagawian...
Pamamaalam sa mga dating kabaliwan...
Pamamaalam sa walang humpay na kwentuhan...
Pamamaalam sa simpleng mundo ng ating kabataan.

Ngayon - panibagong mundo na ang hinaharap
Na kailangan nating yakapin, gaano man kahirap.
Magsisilbing inspirasyon mga dating pangarap,
At susubukang sa kasalukuya'y isakatuparang ganap.

Mga kaibigan, saan man tayo mapunta,
At tayo man ay malayo sa isat-isa,
Magkalapit parin sa puso at damdamin
Saan man dadalhin ng tadhana natin.

Sana, lumipas man ang ating kabataan,
Nasa puso't isip parin natin ang nabuong samahan.
At bagama't marami ng nagbago sa kasalukuyan,
Hindi sana mawawala ang pagkakaibigan.

At bagama't lahat tayo ay may sariling buhay na,
Ang iba ay nakabuo narin ng sariling pamilya...
Sa tuwing nalulungkot at walang makasama -
Pikit lng... balikan ang nagdaan at mapapangiti ka.



Monday, February 21, 2011

ANG AKING SINING

Tanging lapis at papel ang kadalasa'y kasama.
Minsan, pati lumang kalendaryo napagdidiskitahan na...
Nais ko lang namang sumulat, lumikha ng simpleng tula,
Isiwalat ang saloobin sa pamamagitan ng katha.

Minsan nama'y gumuguhit ng ano mang manaisan;
Makukulay na bulaklak at magagandang larawan...
Matataas na bundok, kapaligirang luntian...
Ang asul na dagat na kay sarap pagmasdan.

Ang lapis, papel, bolpen at pangkulay,
Itinuturing ko nang mga kaibigang lagi kong karamay.
Mga piping saksi sa aking bawat pagpupunyagi;
Sa bawat ilusyon ko at pangarap, mga minimithi.

Sa bawat likhang-isip na binibigyang buhay ng kamay;
Sa bawat guhit, linya, letra, pangungusap at kulay.
Sa bawat akdang natapos, sa bawat naiguhit na larawan,
Hatid ay 'di matatawarang ngiti at kasiyahan.

Hindi man naturingang magaling na manunulat;
At sa larangan ng pagguhit, kaalaman ko ma'y salat;
Ang mga likha ko man, kadalasan ay praning...
Ang buhay ko ay ito - ang aking sining..

MAGANDANG HANGARIN

by Jane de la Cruz on Thursday, December 2, 2010 at 5:11pm
Ang pusong bakal ay kilala ng lahat
Na walang nakikita kahit mata'y dilat.
Walang paki-alam, walang pakiramdam...
At higit sa lahat - hindi nagmamahal.

Ngunit alam kong hindi sya dating ganon.
Ang pusong bakal ay masayahin noon.
Ngunit sa masaklap na pagkakataon,
Sya ay nagmahal, at sinaktan lang paglaon.

Simula nga noon, puso'y naging bakal.
Hindi na muling umibig pa at nagmahal.
Wala naring nangahas kumatok sa pintuan
Dahil lahat ng sumubok ay nangabigo lang.

Ngunit isang araw, may naglakas ng loob,
At sa pinto ng pusong bakal ay kumatok.
Ang magandang hangad ay buo sa loob.
Hindi tumigil kahit sya na ay pagod.

Sa unang subok, 'di man nagtagumpay,
Hindi sya huminto at itinuloy ang pakay.
Magandang hangarin parin ang handang ialay,
Kahit katumbas nito ay matagal na paghihintay.

Ang dakilang hangarin, hindi kaylan man huminto.
Nagtyagang naghintay, kumatok sa pinto.
Hanggang sa nabingi na nga ang bakal na puso,
At ito ay nabasag, nabuksan...- sumuko.

At nang mabuksan na sa pagkakasara,
Ang pusong matigas, lumambot ng kusa.
Ngayo'y pumipintig, nakakaramdam na.
Muli ng tumibok ang pusong nadusta.

Bagamat hindi pa tuluyang nahilom,
Ang mga dati'y sugat ay pilat nalang ngayon...
Nagsisilbing tanda, aral ng panahon,
Na bagamat nadapa ay muling nakabangon.

Salamat sa isang magandang hangad
Na syang nagbalik sa nawalang dignidad.
Sana sa mundo ay marami pang katulad,
Nagbibigay pag-asa sa mga kinapos ng palad.

'Magandang hangarin', laging ipagdarasal
Na patnubayan ka ng Puong Maykapal.
'Magandang hangarin' huwag snang mapagal
Na turuang magmahal muli ang mga pusong bakal...

TULANG HANDOG ( Sa Iyo Ama)

by Jane de la Cruz on Friday, December 3, 2010 at 9:05pm
Mahal kong Ama, una po sa lahat
Ako po ay lubos na nagpapasalamat
Sa pagdinig N'yo sa aking panalangin
At sa biyayang ibinigay ninyo sa akin.

Salamat rin dahil hindi Kayo bumitaw,
Sa madidilim na daan kayo ang naging ilaw.
May mga panahon man na ako ay nagduda
Kung ang paghihintay ay may pag-asa pa ba...

Alam kong lahat ng panahong Inyong inilaan
Na ako ay naghintay, 'di ko man lubusang maintindihan,
Ay naaayon sa plano N'yo at kagustuhan
At paghahanda marahil sa tatahakin kong daan.

Sa mga panahong nawawalan na ng pag-asa,
Napapawi naman sa kaalamang kasama Ka.
Dahil sa simula pa lang ng 'paglalakbay' na ito
Ikaw na ang naging kasama at kasangga ko.

Kaya bagama't walang alam sa napasukan,
Andito na tayo, malapit na sa patutunguhan...
Iyon ay dahil hindi N'yo ako kailan man iniwan,
Ang dunong N'yo at lakas ang syang naging sandigan.

Muli, ako po ay lubos na nagpapasalamat,
Sa tulong, sa gabay, sa lakas - sa lahat!
At sana, o Ama, huwag N'yo akong iiwan
Sa landas na ito, patuloy po sanang gabayan.

At muli, taos-puso ko pong hinihiling,
Tulungan N'yo po ako ngayon at sa mga araw pang darating;
Sa mga aksyon at desisyonng kailangan kong gawin--
Ama, naway kagustuhan N'yo ang laging susundin..